3 Bagay na Palaging Ginagawa nang Magkasama ng mga Nagmamahalan

Napakaraming mababasa, maririnig, o mababalitaan na mga paraan at payo kung paano panatilihin ang romansa at init sa inyong relasyon, pero siyempre, dapat mayroon kang maraming ekstrang oras. Kung wala masyado, puwede naman simple lang, o puwede ka ring mag-eksperimento tulad ng seksi na dami-panloob, mabango at nakakaakit na kandila, o siguro kapag kaya mo, baka gusto mong subukan lahat.

Pagkatapos ng maraming taon ng pagkalap ng impormasyon mula sa napakaraming eksperto, mga pag-aaral, at mga totoong tao (ibig sabihin ay kayo), heto ang ilang payo na mas lalong magpapatibay sa inyong pagmamahalan, ang mga ito ay palaging nangunguna sa listahan — dahil gumagana ang mga ito.

Heto na ang tatlong simpleng paraan para ibalik ang init ng inyong pag-ibig.

1. Magnilay

Ang iyong tibok ng puso at paghinga mag-si-sync, kaya naman, magiging mas konektado ang inyong pakiramdam, at ang pagninilay ay napatunayang naglalagay sa isang tao sa estado ng isip na marunong makiramay at mapagbigay — perpekto para palipasin ang isang gabi nang magkasama. Tungkol sa epekto nito sa seks, isipin mo na lamang kung saan nanggaling ang Kama Sutra.

2. Magluto

Ito’y maginhawa at romantiko, at mas malusog ang puwede ninyong kainin kaysa sa inihahain sa restawran. Para naman sa opsyon sa kung ano ang iluluto, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga maaanghang na pagkain ay nagpapabilis ng daloy ng dugo, na nakaka-boost ng pag-arouse — maghanda ka ng Sisig o Bicol Express, masarap at maanghang!

3. Magbakasyon

Sugod na sa dalampasigan kung tag-araw o kung kailan ka libre, gawin agad habang may oras pa! Ang pagbibigay sa sarili ng oras para magpahinga ay mahalaga sa iyong kalusugan ng kaisipan, at ayon sa mga pag-aaral, ang pagiging malapit sa isang anyo ng katubigan ay may epekto na nakakabawas ng istres. Isa pa: Kapag ang mga magkapareha ay naglalakabay nang magkasama, mas marami silang oras para mag-enjoy sa pagtatalik.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *