Alam mo ba na Maaaring nasa mga Unang Yugto ka na ng Menopos?

Ang Transisyon sa Menopos o Perimenopause — ang apat hanggang 10 taon ng yugto ng transisyon bago ang mismong menopos — ay maaaring magsimula agad sa 30 taong gulang. Maraming mga batang babae ang hindi nakakaalam na ito ay isang posibilidad, at hindi palaging nakikita ng mga doktor ang mga sintomas sa grupong ito. Hindi kasama ang mga hindi regular na regla, kabilang sa mga senyales na ikaw ay nasa transisyon na:

  • Maaaring Perimenopause: Maganda ang iyong relasyon. Maaaring bawasan ng pagbabago ng hormon ang iyong pagnanais.
  • Hindi Siguro Perimenopause: Nagkakaroon ka ng problema sa pakikitungo, tulad ng sama ng loob, o gumagamit ng mga partikular na gamot (medikasyon para sa presyon ng dugo, pangontra sa depresyon).
  • Maaaring Perimenopause: Nagkakaroon ka ng biglaang pakiramdam ng nilalagnat na init (o “hot flashes”): biglaan, matinding sensasyon ng init, kasama ng pagpapawis, at mabilis na tibok ng puso.

  • Hindi Siguro Perimenopause: Ang iyong mga episodyo ay banayad lang at nangyayari lang sa panahon ng regla, o ikaw ay gumagamit ng mga kontra-depresyon.
  • Maaaring Perimenopause: Hindi maipaliwanag ang iyong di-maayos na pagtulog at madalas pang may kasamang pagpapawis sa gabi.
  • Hindi Siguro Perimenopause: Nakakaranas ka ng istres o ang mga gabi na walang tulog ay tipikal na nangyayari sa linggo bago ang iyong periyod.
  • Maaaring Perimenopause: Hindi ka pa nagbago ng pagkain o gawi para sa kalusugan. Ang mas mababang estrogen ay maaaring magdulot ng paglaki ng dami ng taba sa katawan (hanggang 6.8 kg sa kabuuan ng yugto ng transisyon).
  • Hindi Siguro Perimenopause: Hindi ka na madalas pumunta sa dyim o nagsimula kang gumamit ng mga gamot tulad ng kontra-histamine at mga medikasyon para sa maayos na lagay ng loob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *