Bakit Nakatutulog Kaagad ang Kalalakihan Matapos ang Seks?

Nagtataka ka ba kung bakit ang mga lalaki ay inaantok agad pagkatapos mismo ng seks?

Maaari mong pasalamatan ang hormon na prolactin para sa pag-aantok ng mga lalaki matapos ang pagsisiping.

Ang prolactin ay sinu-supress ang dopamine — isang nag-i-stimulate na neurotransmitter na ginagawang gising ang isang tao. At ang katawan niya ay naglalabas ng ganito nang maramihan kapag siya ay nilalabasan. Ngunit, ang iyong katawan ay hindi ganoon karami ang nagagawa na ganitong hormon.

Ang “masarap sa pakiramdam” na hormon na oxytocin ay nagsu-surge din sa panahon ng seks, na nakakatulong para matanggal ang mga nakaka-istres na mga bagay mula sa kanyang pag-iisip at pagkatapos, madali na siyang makakapagpahinga at makatulog. Isa pang nakakatuwang impormasyon, kapag nakapatay ang ilaw habang seks, nagbibibgay ito ng senyales na panloob na orasan ng katawan na oras na para matulog. Kapag nangyari iyon, ang hormon na melatonin ay nag-i-ignite ng kanyang pagtulog.

Kapag nagsama-sama ang prolactin, oxytocin, at melatonin, ito ay ganap na maituturing bilang natural na bersyon ng anumang malakas ng pildoras na pampatulog — at makikinabang siya sa isang mahimbing na paghihilik. Habang ito ay mahusay para sa kanya, kung may nais ka mang ibang gawin, tulad ng pagyakap, tumapos ng mga gawain, o kahit ano maliban sa pagtulog, hindi mainam na makapiling ang isang sombi.

Kahit tapos na ang seks, para panatilihin ang aksyon at sigla tulad ng isang masayang pelikula, siguraduhing pumili ng posisyon sa seks na hindi pahalang. Oo naman, halata ito, ngunit kapag nakahiga ka sa iyong likod, nagbibigay ito ng senyales sa iyong katawan na oras na para matulog.

Isa pang paraan para hindi siya antukin pagkatapos ng seks: Buksan ang ilaw habang ginagawa ito. Sa paraan ito, hindi magsisimula agad ang kanyang pagkaantok.

Ang huling payo ay dapat tumayo mula sa kama sa sandaling tapos na kayo. Sa buhay ng tao, ang kanyang utak ay natututong iugnay ang kama bilang lokasyon para umidlip. Kaya naman, mukhang imposible talaga na labanan niya ang tukso na humiga agad sa kama, kung tahimik ka lang at walang gagawing aksyon. Subukan na lang na ituloy ninyo ang yakapan sa upuan sa sala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *