Maaari bang Pumayat ang mga Babae nang Walang Ehersisyo?

Ang katotohanan: kung malaki ang timbang na kailangan mong mabawas, makakamit mo lamang ang iyong layunin sa pamamagitan ng pagbawas ng kaloriya. Kapag binawasan mo ng 500 kaloriya lang bawat araw ang iyong karaniwang pagkain, 0.45 kg lang ang mababawas sa iyong timbang kada linggo.

Subalit, dapat ninyong malaman na kapag ganito ang paraan ng iyong pagbaba ng timbang, hindi lang taba ang nawawala sa iyo, kundi pati ang kalamnan. Ang kalamnan ay mahalaga sa pagbuo o pagpapanatili ng isang may magandang hubog at malusog na katawan. Kailangan mong mapanatili ang kalamnan o buuin ito kasabay ng pagkawala timbang. Ang tanging paraan upang mapanatili kalamnan habang nagdidiyeta ay a ng pag-eehersisyo at pagbibigay-diin sa pagsasanay para sa timbang.

Pag-iwas sa mas mataas na porsyento ng taba sa katawan matapos ang pagbaba ng timbang

Ang MALAKI na hindi magandang kinahinatnan ng pagkawala ng timbang nang walang ehersisyo ay kapag bumalik sa normal ang iyong pagkonsumo ng kaloriya, babalik din ang timbang sa katawan mo. Kapag nadagdagan ka ulit ng timbang matapos kang mawalan nang hindi nag-eehersisyo, hindi mo awtomatikong makukuhang muli ang nawala nang masa ng kalamnan. Karamihan sa iyong bumalik na timbang ay mapupunta sa imbakan ng taba, kaya naman, ang porsyento ng taba sa iyong katawan ay magiging mas mataas kaysa dati, bago pa noong una kang nabawasan ng timbang.

Magiging mas mataba ka at nabawasan pa ang kabuuan ng iyong kalamnan. Ang kalamnan ay mas maraming nasusunog na kaloriya kaysa sa taba, kaya ito ang dahilan kung bakit kapag mas mataas ang iyong “kalamnan sa taba na proporsyon (“muscle to fat ratio” sa Ingles), mas mataas din ang iyong BMR (ang rate ng paggamit ng iyong katawan ng kaloriya).

Kapag matagal mong pananatilihing ganito ang iyong kalagayan, ang iyong BMI (body mass index o indeks ng masa ng katawan) ay nawawalan ng balanse, na nagiging dahilan ng mas pahirap nang pahirap na pagbaba ng timbang sapagkat ang iyong “taba sa kalamnan na proporsyon” (“fat to muscle ratio” sa Ingles) ay hindi maayos. Mas magiging mataba ka kahit na mas magaan ka pa noong nagsimula ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *